Sunday, February 08, 2009

ANG BAGONG PILIPINAS



“Mga mahal kong Pilipino, Pagmalasakitan natin ang ating bayan na siyang nagbigay sa inyo ng buhay at kasarinlan. Ipakita natin sa buong mundo na ang mga Pilipino ay mapagmahal sa Diyos, makapamilya, mapagkapwa, masipag, maganda ang ugali at matatalino.”

Kapagdaka ay umalingawngaw ang isang masigabong palakpakan na may halong pagpupunyagi at pagmamalaki. Ang mga salitang narinig ko ay nagmula sa taong nasa ibabaw ng entablado habang ang paligid ay napapalibutan ng napakaraming tao. Tila baga’y ito ay isang engrandeng pagtitipon. Sa aking paglalakad, aking napagsino ang taong nagsasalita ng mga katagang tinuran sa itaas, ay ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Naitanong ko sa aking sarili, bakit ganoon na lamang ang paghanga at natatanging pagtingala na ipinakikita ng mga tao sa kaniya. Sa mukha ng sinunman ay mamasid ang INSPIRASYON na iniluluwal ng kaniyang persona; ito ay umaapaw at sumasanib sa katauhan ng bawat Pilipinong naroroon. Nilisan ko ang mataong lugar na iyon at nagpasya akong maglibot libot. Namangha ako dahil kakaiba ang aking namamalas. “Ako ba ay nasa ibang planeta?, tanong ko sa aking sarili. Nasaan ang mga dyip na naglipana sa kalsada at animo’y mga hari sa lansangan. Mga dyip na ang musikang pumapaibabaw ay tutulig sa iyong pandinig. At ang mga bus na malalaki ay parang maaamong leon ngayon na dati rati’y parang mababangis at nagwawalang elepante.

Hinahanap ko rin ang dating senaryo sa ilang kalsada kung saan naglipana ang mga traysikel, motorsiklo, bisikleta, pedicab, traysikad, kariton ng buko, prutas at bote’t dyaryo na sumasakop sa malapad at masikip na kalsada. Wala akong magawa noon kundi iwasan ang mga ito dahil ang aking sasakyan ay animo’y walang puwang sa kalsada. Mapapailing ka na lamang, hindi sa ayaw ko silang maghanapbuhay, pero sana alam nila kung saan sila dapat lumugar, kelangan lang naman sumunod sa batas trapiko.

Napansin ko rin na malinis ang paligid, maayos at maaliwalas. Hinahanap ko ang mga iskwater o ang mga agaw-lupa na na parang mga bulaklak o kabute na nagsulputan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Kapalit ng tagpi-tagping barung barong at mga batang naglalaro ng walang saplot pang-ibaba, ay luntiang mga halaman at mga bulaklak na sumasaliw sa ihip ng malamig na hangin. Ang dating lugar na kinasasadlakan ng mga iskwater, ngayon ay malinis na parang parke at paraiso. Nawala ang gabundok na basura na madalas na matatanaw sa paligid. Naalala ko kailangan kong pumunta sa upisinang gobyerno para humingi ng isang dokumento na “certified true copy.” Ilang sandali lang, iniabot na sa akin ng babae sa ahensya ang dokumento at matamis na ngumiti. Nakahanda na akong bumunot ng pera upang bayaran siya, pero agad niyang sinabi, “walang bayad yan.” Nagulat ako dahil, noon, may bayad itong isandaang piso, wala pang resibo. Nagbago ang serbisyong gobyerno, napawi ang masusungit na tao at naging mabilis ang serbisyo. Nawala na rin kaya ang korupsiyon? Malaki na nga ang ipinagbago ng ugaling Pilipino, dahil ba ito sa taong nagbigay inspirasyon sa mga Pilipino. Sa Mindanaw, kilala sa yamang dagat at yamang lupa. Katunayan, may mga banyagang bansa ang interesado rito dahil sa malaking potensiyal nito sa kalakal at turismo. Isa itong maituturing na munting paraiso ngunit pinamumugaran lamang ng ilang taong may baluktot na paniniwala. Sila na sumisira sa imahen ng Mindanaw at naghahasik ng masama nilang idealohiya. Ngayon, mapupuna ang tahimik na bayan. Ang mga Muslim at Kristiano ay nagkakaisa bagama't marami silang pagkakaiba. Lahat ay abala sa pagtatrabaho, at lahat ng banyagang makikita ay malayang naglalakad sa dibdib ng Mindanaw. Positibo ang nakikita kong pagbabago sa islang ito. Sa aking muling pagtanaw sa Pilipinas, kapuna-puna na ang bawa’t taong aking makasalubong ay may saya sa mukha. Ang disiplina, pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa ay mararamdaman. Maraming imprastraktura na mapapansin saang mang lugar sa Pilipinas. Walang gaanong krimen. Ang sandatahang Pilipinas at kapulisan ay mataman na nagbabantay sa kaayusan at katahimikan ng bansa. Anga mga mamahayag ay malayang nagsusulat ng kanilang mga kuro kuro, saloobin at kritisismo. Sa aking obserbasyon, bawat Pilipino ay masagana at kuntento.

Ako’y naupo sa malawak na parke. Nalulunod ako sa maraming pagbabagong nangyayari sa aking bayan. Nagtataka, nagtatanong ngunit may halong pagmamalaki at galak sa dibdib. Nawika ko, eto ang matagal ng pangarap ng bawat Pilipino para sa kaniyang sarili at bansa. Maya-maya ay natanaw ko ang mga tao na humahangos na tila baga’y may hinahabol. Gusto kong malaman kung anong komosyon iyon. Sa aking paglapit, nakita ko ang taong noo’y nagsasalita sa entablado, ang Presidente. Nakikipaghuntahan siya sa maraming tao, bata matanda, mayaman, ordinaryo at simpleng tao. Nang ako’y mapalapit ng kaunti, tumingin siya sa akin, siya nga ang Presidente na nagbigay ng inspirasyon sa Pilipino tungo sa makabuluhang pagbabago. Pagkakataon ko na ang sandaling iyon upang magtanong sa kaniya. Akma akong magsasalita, nang sa aking likuran ay may sumigaw ng:

“HOY GISING! Terminal na po tayo, hanggang dito na lang ang bus..” Nakakainis ang mamang konduktor na iyon. Maihahalintulad ko siya sa isang magnanakaw; mandarambong ng kaban ng bayan. Yun nga lamang, ang konduktor na yaon ay isang magnanakaw na pumukaw ng isang magandang panaginip. Tumalima ako para bumababa ng bus at bago ako makaapak sa lupa, tumamabad sa akin ang tunay na realidad, ang Lumang Pilipinas na bagamat sadlak sa kahirapan ay tigib pa rin ng pananabik sa mga pagbabago. (Ang kwento ito ay kathang isip lamang ng may-akda ngunit ang ilang pangyayari ay hango sa tunay na karanasan).

Monday, February 02, 2009

GOING BANANAS


Ask a Filipino if he ever tasted a banana que, it is likely you’ll get an affirmative response from a salivating person dreaming of sinking his teeth in the soft flesh of the fruit. Try to walk along the busy streets of sidewalks and almost everyone will see a makeshift booth peddling banana ques on sticks. Some people can’t help but stop by and partake of the sweet snack. The bananas are stuck together through a trimmed bamboo stick. Sometimes, you can buy a stick with two or three bananas in it. It is a food snack that people from all walks of life eat. They flock at the improvised booth and don’t mind waiting to be served. What’s more, it is cheap, costs only P10.00 or P12.00 a stick (US$.25). Although it is known as a street food, it is nevertheless, nutritious.

Bananas are rich in potassium which is good for the brain. (www. bananabenefits.com) Bananas are aplenty in kind; there is lacatan, latundan, senorita, etc.. But banana ques are made from banana SABA. These are rolled in brown sugar and deep fried. The caramelized smell while being cooked wafts through your nostrils and gives you a cue to get one for yourself. It’s quite addictive, if you may ask me.

Admittedly, I am a certified banana addict of whatever kind. A true blue banana lover. I can live through the day with just bananas for breakfast, lunch and dinner. Thankfully, Filipinos with gustatory expertise, are a genius in creating a variety of snacks from SABA, an all time favorite merienda for the Filipino tastebuds.

· Minatamis na saging with or without sago (Sweetened banana)
· Ginataang saging with bilo-bilo (Banana with coconut milk)
· Turon with langka (Banana wrapped in spring roll (lumpia) wrapper with sliver of ripe jackfruit
· Maruya (Banana with flour)
· Nilagang saging (Boiled banana)
· Pritong saging ( plain fried banana without sugar)
· Inihaw na saba (Grilled banana)
· Nilupak na saging (Mashed Banana)

Recently, I came across an article about a foreign national named Andrew Zimmern. He is a famous chef in New York who stars in his own food show called , “Bizarre Foods.” His short stint in the Philippines to look for unusual and bizarre foods led him to different places in the metropolis. He discovered “balut,” “soup no. 5” in Angono and “Banana ques”. “My hands down favourite, banana que,” said he. According to the article, Mr. Zimmern stuck two sticks of banana ques before leaving the banana que stall. He got hooked on it and was wondering why banana ques haven’t reached international status in the food /cuisine industry. Maybe, he can make an improved preparation for the banana que lovers less the cholesterol causing oil. That, I am waiting with bated breath.

So, you see, a banana que is just a simple sweet snack for the Filipinos with sweet tooth. But simple or ordinary it may seem, it’s a wonderment where these bananas get their distinct taste. Perhaps, it’s because, they thrive in Philippine soil. Yes, only in the banana republic.